Senador, haharangin ang balak na pagtapyas sa budget ng edukasyon sa bicam

Hindi papayag si Senator Bam Aquino sa napabalitang balak na pagtapyas sa budget ng Department of Education (DepEd) sa pagsalang ng 2026 national budget sa Bicameral Conference Committee.

Sa panayam, inamin ni Aquino na nakatanggap siya ng impormasyon na mayroong nagbabalak na tapyasan sa bicam ang budget ng edukasyon.

Agad na ipinaalam ni Aquino sa kanyang mga kasamahang senador na myembro ng bicam ang natanggap na impormasyon tungkol sa balak na bawasan ang budget ng edukasyon na ipinasa ng Senado.

Kinumpirma rin sa kanya ng ilang kasamahang senador ang naturang impormasyon.

Tinawag naman ni Aquino na education budget ang P6.793 trillion na 2026 national budget dahil sa laki ng itinaas nito para maisulong ang mga malalaking proyekto sa edukasyon, tulad ng karagdagang mga silid-aralan.

Facebook Comments