Nakiusap si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa Malakanyang na magpakalalaki naman at sabihin sa kanila kung totoong nakapasok na ba talaga sa bansa o hindi pa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC).
Giit ni Dela Rosa sa gobyerno, hindi na dapat sila magtanong pa at ang pamahalaan ang siyang dapat na kusang nagbibigay sa kanila ng impormasyon dahil sila ay mga Pilipino at mamamayan rin sila ng bansa.
Handa naman ang senador na harapin ang ICC sakaling pumayag man ang pamahalaan na pumasok na ito sa bansa basta’t ang mahalaga ay ipinabatid na sa kanila sa una pa lamang para alam nila kung ano ang mga dapat na gawin.
Aniya, ang ayaw lamang niya ay patago na para bang sinasaksak sila sa likod kaya apela nito sa pamahalaan na bilang presidente at lider ng bansa ay sabihin na sa kanila ang mga nakuhang impormasyon patungkol sa ICC.