Senador, hinamon si VP Sara na ilabas ang mga dokumento at pondo na magpapatunay na siya ay inosente sa impeachment case

Matapos tuluyang isantabi at i-archive ng Senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, hinamon ni Senator Erwin Tulfo ang bise presidente na magkusang manguna sa pagbubukas ng kanyang mga dokumento ukol sa paggamit ng pondo noong siya pa ang Kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Sen. Erwin, kung tunay na walang kasalanan si VP Duterte ay siya mismo ang manguna sa pagbubukas ng lahat ng dokumento, paggamit ng budget at mga hakbangin niya bilang Pangalawang Pangulo at dating DepEd Secretary.

Iginiit pa ni Tulfo na walang dahilan para umiwas kung malinis ang kanyang konsensya.

Nagpaliwanag naman si Sen. Erwin sa kanyang botong Yes na pumapabor na i-archive ang articles of impeachment laban kay Vice President Duterte.

Paglilinaw niya, ang kanyang boto ay hindi para iligtas o iabswelto ang bise presidente kundi sinusunod lamang niya ang malinaw na kautusan ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang inihaing impeachment case.

Facebook Comments