
Hangad ni Senator JV Ejercito na makabawi na ang bansa sa 2026.
Ayon kay Ejercito, napakahirap, napakadilim at maraming hamon ang nangyari ngayong taon.
Hindi man direktang tinukoy pero ang pinakamalaking eskandalo sa bansa ngayon ay ang mga anomalya at ghost flood control projects na kinasangkutan ng ilang mga opisyal ng pamahalaan.
Kaugnay nito, hinihiling ng senador na sana sa 2026 ay may magandang mangyayari para sa bansa.
Aniya kinakailangan na magtrabaho na ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno kabilang na ang mga mambabatas sa susunod na taon para makabawi na ang bansa sa madilim na bahagi ng kasaysayan.
Facebook Comments










