
Umapela si Senator Kiko Pangilinan sa Malakanyang na mag-isyu na agad ng Executive Order na nagtatakda ng floor price para sa palay na binibili ng national government at local government units.
Iginiit ni Pangilinan na naaayon ito sa Republic Act 11321 o Sagip Saka Act na iniakda ng senador.
Mahalaga aniya na makapag-isyu ng EO bago ang harvest season sa Setyembre hanggang Disyembre dahil karaniwang binabarat ang mga magsasaka sa presyo.
Paliwanag ng senador, kung mayrooong EO na nagtatakda ng floor price sa play, makasisiguro ang mga magsasaka na ang kanilang ani ay maibebenta sa patas at makatwirang presyo.
Mapipilitan ang mga trader na itaas ang kanilang buying price sa palay at magkakaroon ng pagpipilian ang mga magsasaka ng pagbebentahan ng kanilang ani.









