
Ipinasasailalim ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa striktong oversight ang Senior High School (SHS) Voucher Program upang maiwasan ang mga anomalya sa hinaharap.
Kaugnay nito ay pinuri ni Pimentel na nabawi ng Department of Education (DepEd) ang ₱65 million mula sa 54 na private schools na may kwestyunableng claims sa ilalim ng SHS voucher program.
Giit ni Pimentel, hindi sapat ang refund lang at kailangang may mapanagot at makapagpatupad ng reporma upang hindi na ito maulit.
Nagbabala ang mambabatas na ang nangyaring iregularidad sa SHS voucher program ay nagpapakita ng mas malalim na problema ng ahensya pagdating sa monitoring at accountability.
Kinukwestyon din ni Pimentel ang pagtaas sa budget ng voucher program sa ₱39.3 billion noong 2023 mula sa ₱16.5 billion sa naunang taon gayong bumababa ang bilang ng mga beneficiaries.