Senador, hiniling sa gobyerno na magpatupad ng “price freeze” sa mga pangunahing bilihin ngayong may El Niño

Umapela si Senator Francis Tolentino sa pamahalaan na magpatupad ng “price freeze” o tigil-taas sa presyo sa mga pangunahing bilihin sa bansa sa gitna pa rin ng nararanasang El Niño.

Kabilang sa pinasasaklaw ng senador sa price freeze ang bigas upang makaagapay sa publiko sa inaasahang pagtataas ng presyo ng produkto bunsod ng kakulangan ng suplay dahil sa epekto ng matinding tag-init.

Sa mungkahi ni Tolentino ay iiral ang price freeze habang nararanasan ng bansa ang El Niño season.


Kasabay nito, nagpahayag ng suporta ang mambabatas sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na repasuhin ang kasalukuyang minimum na sahod sa bawat rehiyon sa bansa.

Sinabi ni Tolentino na mahalagang maaalalayan ang mga manggagawa sa inflation subalit ikukunsidera pa rin naman dito ang kakayahan ng mga negosyante at mga employer.

Facebook Comments