Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na ipanatag ang kalooban ng mga pamilya dito sa bansa ng mga Pilipinong nasa Israel.
Kasunod nito ang pagpapaabot ng pakikiramay ng senador sa pamilya ng tatlong Pilipino na nasawi sa gitna ng giyera ng Israel at Hamas Group.
Binigyang diin ni Go ang kahalagahan na matiyak sa mga pamilya rito sa bansa na ligtas ang kanilang mga kaanak doon sa Israel at sa Gaza strip.
Mahalaga rin aniyang masiguro na maipaabot sa pamilya na ginagawa ng gobyerno ang lahat sa abot ng makakaya na matiyak ang kapakanan ng mga mahal sa buhay, hindi lang sa Israel kundi sa ibang bahagi ng mundo.
Muling binigyang-diin ni Go ang agarang inventory ng lahat ng mga Pilipino at ang pangangailangan sa agad na pagpaplano sa repatriation sa mga kababayan lalo’t walang katiyakan ang sitwasyon doon hanggang ngayon.