
Pinayuhan ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan na maging maagap sa pagsususpindi ng face-to-face classes sakaling tumaas ang mga influenza-like illnesses (ILI).
Ayon kay Gatchalian, dapat na maging proactive ang mga LGU sa pagsuspindi ng mga klase kapag tumaas ang bilang ng mga nagkakasakit na banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Hinimok ng senador ang mga LGU na makipagtulungan sa Department of Health (DOH) at sa mga paaralan para sa pagpapatupad ng mitigation measures tulad ng proper hygiene at sanitation.
Pinatitiyak din ni Gatchalian na mabibigyan ng prayoridad ang ligtas na pagbabalik ng mga mag-aaral sa mga paaralan.
Binigyang-diin pa ng mambabatas na mahalagang sundin ng publiko ang mga alituntunin ng DOH at iwasan ang magpanic dahil ang mga flu case naman ay karaniwan tuwing panahon ng tag-ulan.









