Senador, hinimok ang mga kapwa mambabatas na suportahan ang ‘People’s Initiative’

Nanawagan si Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairman Senator Robinhood Padilla sa Senado na suportahan ang People’s Initiative para sa pagamyenda ng ating 1987 Constitution.

Ayon kay Padilla, panahon na para amyendahan ang Konstitusyon upang i-rebisa ang economic provisions sa pamamagitan ng People’s Initiative at bigyang-daan ang reporma na makalilikha ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.

Inihalintulad pa ni Padilla ang people’s initiative sa latin phrase na ‘vox populi, vox dei’ o ang boses ng taumbayan ay boses ng Diyos.


Hinimok ng senador na maingat na talakayin ang charter change para maiwasan na magamit ito sa pampersonal na interes.

Naniniwala si Padilla na taumbayan lamang ang makapagdadala ng tunay na pagbabago ng sistema tungo sa ikauunlad ng bayan sabay hiling na ibigay ang suporta ng Senado sa People’s Initiative.

Giit pa ni Padilla ay dapat totohanang people’s initiative ang maisulong para sa pag-amyenda ng Konstitusyon.

Facebook Comments