Nanawagan si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa mga lokal na pamahalaan na iwasan na masangkot sa mga POGO.
Kung mababatid, ang lokal na pamahalaan sa Bamban, Tarlac kung saan ang suspended Alkalde na si Mayor Alice Guo ay nadarawit ngayon sa POGO operation sa kanyang lugar na sabit sa mga iligal na gawain.
Ayon kay Estrada, nakakaalarma na may mga LGU ang nasasangkot sa operasyon ng POGO kaya apela niya sa mga lokal na pamahalaan iwasan na ito.
Aniya, kung ang drug money ay nakalulusot at nagagamit ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa eleksyon, hindi malabong ganito rin aniya sa POGO money.
Sa kabila naman ng pagkasasangkot na ng ilang legal na POGO sa mga iligal na aktibidad, iginiit naman ni Estrada na pag-aralan pang mabuti ang isinusulong ng ilan na tuluyang pagpapalayas ng mga POGO sa bansa.