Senador, hinimok ang mga stakeholders na suportahan ang rekomendasyon ni Sec. Ralph Recto kay PBBM na i-ban ang mga POGO sa bansa

Hinihikayat ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian ang lahat ng mga stakeholders sa bansa na suportahan si Finance Secretary Ralph Recto sa rekomendasyon nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na ipagbawal na ang mga POGO sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, kung magkakaisa ang lahat ng sektor laban sa POGO ay maitataguyod natin ang mas ligtas, at mas masaganang Pilipinas na malaya mula sa mga negatibong epekto ng mga POGO.

Sinabi ng senador na suportado niya ang mungkahi ni Recto dahil ito ang matagal na niyang isinusulong lalo’t ang mga POGO ay nasasangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidad tulad ng human at sex trafficking, serious illegal detention, money laundering, torture, at online scamming na banta sa ating pambansang seguridad at social order.


Giit ng mambabatas, nakita naman sa mga imbestigasyon sa Senado na hindi maganda ang idinudulot ng mga POGO.

Lumikha aniya ang presensya ng mga POGO ng mga problema sa ating ekonomiya at resources na maaari sanang magamit sa mas kapaki-pakinabang sa bansa.

Facebook Comments