Senador, hinimok ang NBI na habulin din ang vloggers at trolls na nagkakalat ng fake news sa oposisyon

Nanawagan si Senate President Francis Escudero sa National Bureau of Investigation (NBI) na targetin din ang vloggers at trolls na naninira at nagkakalat ng fake news laban sa mga kalabang partido o oposisyon sa gobyerno.

Kasunod na rin ito ng paghahabol ng NBI sa mga indibidwal o grupo na nagpapakalat ng mga maling impormasyon laban sa pamahalaan.

Ayon kay Escudero, bagama’t maaaring magkasa ng motu proprio rito ang NBI pero kadalasan ay bumabase lamang din sila sa mga nagrereklamo.


Sinabi ni Escudero na sakali mang may magreklamo ang kabilang kampo o oposisyon ng pagkakalat ng fake news laban sa kanila ay dapat maging patas ang NBI at imbestigahan din ito.

Sa kabilang banda, tiwala naman si Escudero sa kakayahan at paninindigan ni NBI Director Jaime Santiago na nagmula sa pagiging pulis, naging hukom at ngayon ay director ng NBI na alam ang limitasyon ng prior restraint.

Facebook Comments