Senador, hinimok ang Palasyo na maglabas ng comprehensive report patungkol sa pagkasawi ng negosyanteng si Paolo Tantoco

Hinikayat ni Senator Imee Marcos ang Palasyo ng Malacañang na mag-isyu ng komprehensibong report patungkol sa nangyaring pagpanaw ng Filipino businessman na si Paolo Tantoco habang ito’y nasa Los Angeles, California noong Marso.

Sa mga nakalipas na araw, kumalat ang mga usapin sa online na nasawi ang negosyante dahil sa epekto ng cocaine at sinasabi ring bahagi siya ng entourage ni First Lady Liza Araneta-Marcos na nasa Los Angeles ng panahon na iyon para mag-promote ng Manila International Film Festival (MMFF).

Nakababahala rin aniya ang mga lumalabas na impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Tantoco kung saan sinasabing may alam ang first lady dahil nandoon siya nang mangyari ang insidente.

Bunsod ng mabibigat na alegasyon, hinihikayat ni Sen. Marcos na maglabas ng komprehensibong report ang palasyo tungkol sa nasawing negosyante kasama na rito ang pagkakadawit ng unang ginang at ng ibang matataas na opisyal, ito may ay direkta o hindi direktang pagkakasangkot.

Nanawagan din si Sen. Marcos na linawin ang mga kinaroroonan ni first lady ng mga panahong iyon upang matigil na ang mga haka-hakang may kaugnayan siya sa pagkamatay ng nasabing negosyante.

Facebook Comments