Senador, hinimok ang publiko na suportahan ang mga tampok na pelikula sa MMFF

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go na suportahan ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Paraan na rin ito para tulungan ang promosyon ng Philippine film industry na minsan na ring pinadapa ng pandemya.

Kasabay nito ay nangako rin ang senador na ipagpapatuloy ang kanyang suporta sa sektor upang magkaroon pa ng dagdag na oportunidad at matiyak na mas marami pang “moviemakers” ang magkakaroon ng inspirasyon upang gumawa ng mga dekalidad na pelikula na hindi lamang dito sa bansa kundi itatampok din sa buong mundo.


Tiwala ang mambabatas na sa pamamagitan ng tulong ng gobyerno at iba pang stakeholders ay makakabuo ang mga Filipino filmmakers ng world-class content.

Una na ring isinulong ni Go ang Senate Bill No. 1183, o ang proposed “Media and Entertainment Workers’ Welfare Act”, na magpapalakas ng proteksyon, seguridad at insentibo sa media workers sa pamamagitan ng dagdag na health insurance package, overtime at night differential pay, at iba pang benepisyo.

Facebook Comments