Senador, hinimok si PBBM na magpatupad ng kamay na bakal laban sa mga smugglers at hoarders

Hinikayat ni Senator Jinggoy Estrada si Pangulong Bongbong Marcos na gumamit na ng “kamay na bakal” laban sa mga smugglers at hoarders ng mga agricultural products sa bansa.

Kaugnay na rin ito sa banta ni PBBM noong SONA na bilang na ang mga araw ng mga smugglers at hoarders sa bansa.

Nais ni Estrada na hulihin agad ng gobyerno ang mga smugglers na matutukoy, kasuhan at diretsong ipakulong.


Binigyang diin pa ng senador na ang smuggling at pagtatago ng agricultural products ay katumbas ng economic sabotage.

Umaasa si Estrada na sa loob ng isa hanggang dalawang buwan ay may aksyon na rito ang Ehekutibo dahil kung hindi, ang Senado na aniya ang tutugis sa mga smugglers.

Facebook Comments