Senador, humingi ng suporta para sa agriculture sector na pinadapa ng kalamidad

Humingi ng suporta mula sa gobyerno si Senate President Pro Tempore Loren Legarda para tulungan ang sektor ng agrikultura na pinadapa ng Bagyong Egay.

Aabot sa P1.36 billion ang halaga ng pinsala sa mga pananim na iniwan ng bagyo sa bansa.

Kabilang sa mga nasayang na pananim ay palay, mais, high-value crops, gayundin ang livestock, poultry at fisheries.


Sa lalawigan ng senadora sa Antique ay aabot sa P5.5 million ang nawala sa rice crops ng dahil sa bagyo.

Hiling ni Legarda na dapat ang mga pagsisikap ng gobyerno ay crop-specific, site-level, at tuluy-tuloy.

Aniya pa, kailangan na ring tingnan ang mga sistematiko at ecosystem-based resilience measures dahil ang patuloy na pinsala sa ating ecosystem dulot ng kalamidad ay nakadaragdag sa kakayahan ng agriculture sector para makabangon agad.

Facebook Comments