Senador, iginagalang ang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon sa PUV Modernization; DOTr, pinakikilos!

Iginagalang ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang desisyon ng Supreme Court na ibasura ang petisyon ng grupo ng mga jeepney driver and operators na ipawalang bisa ang PUV Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Poe, habang gumugulong ang mga legal na proseso sa programa, inaasahan niya ang Department of Transportation (DOTr) na lalo pang paiigtingin ang mga pagkilos para magkaroon ng dayalogo sa mga transport group upang matugunan ang mga isyu sa implementasyon ng programa.

Dapat aniyang sa puntong ito ay maging malinaw na ang mga guideline, ruta, at iba pang mahahalagang bagay para matiyak ang maayos na rollout ng programa.


Pagbibigay-diin ng senadora, hindi lamang kabuhayan ng libu-libong drivers ang nakasalalay rito kundi pati na rin ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga commuter.

Iginiit pa ni Poe na dapat maipakita ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno na mas matimbang ang benepisyo ng PUV Modernization kumpara sa mga panganib nito.

Facebook Comments