Iginiit ni Senator Francis Tolentino ang kahalagahan na maihanda ang mga kabataan para sa depensa ng bansa.
Kaugnay ito sa pagresponde ng 300,000 na reserve force ng Israel na tumugon sa panawagan ng gobyerno nila na lusubin ang Hamas group.
Ayon kay Tolentino, dahil sa gyera sa Israel at Hamas militants ay mas nabigyan ng highlight ang pagkakaroon ng dekalidad na Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.
Paliwanag ng senador, ang paghahanda sa mga kabataan ay hindi tungkol sa giyera pero ito ay tungkol sa pagiging makabayan, mental protection, paghahanda sa kalamidad at iba pa.
Kahit pa nasa plenary deliberation na ang Mandatory ROTC Bill, hindi naman matiyak ni Tolentino kung kailan ito makakalusot dahil kasalukuyan pang tinatalakay ang budget sa susunod na taon.