Nagbigay ng babala si Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go sa banta sa respiratory illnesses na maaaring idulot sa mga residente ng pagsabog ng Mt. Kanlaon.
Ayon kay Go, ang matagal na exposure sa ashfall ay maaaring magbunga ng bronchitis, asthma, at iba pang respiratory infections.
Dahil dito, binigyang-diin ng mambabatas ang kahalagahan ng pagsunod sa mga health protocol ng mga nasa evacuation center.
Mahalaga rin aniyang may access sa malinis na tubig, maayos na palikuran, at sapat na serbisyong pangkalusugan ang mga residenteng lumikas.
Kaugnay nito, sinabi ni Go na malaki ang maitutulong na maipatupad na ang bagong pasang batas na RA 12076 o ang Ligtas Pinoy Centers Act kung saan itinatakda ang pagtatayo ng mga permanente at fully equipped evacuation center sa lahat ng mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa.