
Iginiit ang pangangailangan ng tuloy-tuloy na monitoring sa presyo ng mga bilihin bago magdeklara ang gobyerno ng state of national emergency sa bansa.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, halos tatlong linggo nang tumataas ang presyo ng produktong petrolyo at maaaring magdulot ito ng second-round effects o spillover effects sa presyo ng pagkain at maging sa sahod.
Aniya, kailangan munang ma-monitor ang galaw ng presyo bago magdesisyon sa pagdedeklara ng state of national emergency.
Mahalaga rin, aniya, na mabantayan ang inflation o ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), patuloy ang pagtaas ng inflation noong Pebrero, na siyang pinakamabilis na naitala sa nakalipas na 13 buwan.










