Hindi katanggap-tanggap para kay Senator Sherwin Gatchalian ang nararanasang kakulangan sa suplay ng kuryente sa ilang mga lugar sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, ang red at yellow alert status na naranasan sa Luzon at Visayas grid ay hindi katanggap-tanggap at nakakaalarma.
Iginiit ng Vice Chairman ng Senate Committee on Energy na paulit-ulit ang naging panawagan niya sa Department of Energy (DOE) na magpatupad ng kinakailangang contingency plans na magtatawid sa atin sakaling humantong na hindi makapag-operate ng full capacity ang ilan sa mga power plants.
Iminungkahi ni Gatchalian sa mga generation companies at sa mga stakeholder ng energy sector na mag-adopt ng mahahalagang hakbang na kailangan para tugunan ang kakapusan sa suplay ng enerhiya lalo na ngayon na nakar
aranas ang bansa ng peak ng epekto ng El Niño.
Dagdag ng senador, importante aniyang proactive ang DOE at alerto sa pagtugon sa sitwasyon upang maibsan ang malalang pinsala at mapanatili ang katatagan ng power infrastructure ng bansa.