
Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian na kailangan pa ring itulak ang lahat ng mga kaso laban kay Alice Guo at papanagutin sa mga kinasangkutang iligal na gawain.
Ang reaksyon ng Senador ay matapos na mapatunayan sa korte na isang Chinese national si Guo Hua Ping o Alice Guo kung saan deklaradong walang bisa ang termino nito bilang alkalde ng Bamban, Tarlac.
Ayon kay Gatchalian, ang desisyon ng korte ay patunay lamang ng kanilang sinasabi noon pa na hindi kailanman kwalipikadong humawak ng public office si Guo.
Iginiit din ng Senador na sunod na pagbawalan si Guo sa pagmamay-ari ng lupa sa bansa.
Hinimok din ng mambabatas ang pamahalaan na habulin ang mga tumulong at nagprotekta kay Guo lalo na sa panahong tumakas ito ng Pilipinas.
Facebook Comments









