Senador, ikinagalit ang paghampas at pagpatay sa asong si ‘Killua’ sa Camarines Sur

Ikinagalit ni Senator Grace Poe ang pag-atake at pagpatay sa isang aso sa Camarines Sur.

Trending ngayon sa social media ang kuha sa closed-circuit television (CCTV) na ginawa ni Anthony Solares na paghabol at pagpalo hanggang sa mamatay sa asong si Killua.

Ayon kay Poe, nakakadurog ng puso at nakakagalit ang balitang ito.


Sinabi ni Poe na bagama’t ang kasong ito ay Korte na ang magdedesisyon, dapat ipaalala sa publiko na may batas na nagpaparusa sa mga sangkot sa animal cruelty.

Para maipabatid sa mga tao ang pagbibigay proteksyon at pangangalaga sa mga alagang hayop, inihain ni Poe ang Senate Bill 2458 o ang ‘Revised Animal Welfare Act’ kung saan mandatory nang isasama sa curriculum ng primary at secondary ang Animal Welfare Education.

Lilikha rin sa panukala ng Barangay Animal Welfare Task Force na siyang agad na tutugon sa mga animal welfare issues sa nasasakupan.

Kahapon, ay binuksan naman ang Senado sa mga pets kung saan planong gawing “pet-friendly” ang lilipatang new senate building sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Facebook Comments