Senador, ikinalugod ang hakbang ng pangulo sa WPS

Pinuri ni Senate Committee on National Defense Chairman Senator Jinggoy Estrada ang Marcos administration sa paggawa ng kongkretong hakbang para mapangalagaan ang West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Estrada, nararapat lamang na purihin ang mga aksyon ng pamahalaan para protektahan ang sovereign rights at territorial integrity.

Aniya, anumang pagsisikap na ginagawa ng gobyerno para matugunan ang patuloy at tumitinding pagsalakay ng China sa WPS ay dapat na masuportahan at mas hikayatin.


Hinimok ni Estrada ang pamahalaan at publiko na mas maging matibay at nagkakaisa sa pagdepensa ng ating soberenya gayundin sa pagprotekta sa ating maritime territories para na rin sa kapakinabangan ng lahat at ng henerasyon sa hinaharap.

Samantala, nagpahayag din ang senador ng pagkadismaya sa pahayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na may naging kasunduan si dating Pangulong Joseph Estrada sa Beijing na aalisin ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Muling itinanggi ni Estrada ang claim ni Roque sabay giit na ang mga ganitong pahayag ay nagpapalaganap lamang ng kalituhan at pagdududa sa integridad at kakayahan natin na ipaglaban ang seguridad ng bansa.

Facebook Comments