Senador, iminungkahi ang pormal na reklamo sa “degrees for sale” sa Cagayan

Inirekomenda ni Senator Chiz Escudero kay UP Professor Chester Cabalza na maghain ng reklamo sa Commission on Higher Education (CHED) tungkol sa isyu ng “Degree for Sale” sa lalawigan ng Cagayan.

Matatandaang ibinulgar ni Cabalza na ilang mga Chinese students sa Cagayan ang nagbayad ng ₱2 million kapalit ng diploma kahit mga hindi naman nag-aaral at pumapasok sa eskwelahan.

Ayon kay Escudero, Chairman ng Committee on Higher, Technical and Vocational Education, dapat na maghain ng reklamo ang propesor sa CHED para maimbestigahan at makapag-isyu ng show cause order laban sa unibersidad sa Tuguegarao.


Naniniwala si Escudero na kailangang makapaghain ng reklamo dahil ito ay isyu tungkol sa “academic freedom” na maaaring makaapekto laban sa mga government regulators na may oversight function sa mga tertiary schools.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na tungkulin ng CHED na suriin at maging strikto tungkol sa isyu.

Facebook Comments