Senador, iminungkahing gawing modelo ng Pilipinas ang bansang Israel pagdating sa medical cannabis

Iminungkahi ni Senator Robin Padilla na maaaring gawing modelo ng Pilipinas ang Israel para sa paggamit ng cannabis sa layuning medikal o bilang gamot.

Ito ang naging suhestyon ni Padilla sa gitna na rin ng pagdinig ng Senado sa isinusulong na Medical Cannabis Compassionate Access Act para mapahintulutan ang cannabis medicalization sa bansa gayundin ang pagpigil sa maling paggamit at pagabuso rito.

Ginawang batayan ni Padilla na gawing modelo ng bansa ang Israel sa medical use ng cannabis matapos ang kanyang ginawang study tour sa bansa kamakailan kasama ang kanyang technical team.


Ayon sa senador, nakita niya na ang Israel ay isa sa mga bansang mayroong pinaka-maayos at pinaka malinaw na batas at regulasyon sa medical cannabis.

Bukod dito, malawak din ang naging pagaaral ng Israel sa medical cannabis at pagdating sa pagpapatupad ng batas laban sa anumang pangaabuso ay napakahigpit nila pagdating dito.

Balak ni Padilla na isama sa pagbalangkas ng batas sa bansa ang kanilang mga nasaliksik at inaral sa Israel at titiyakin na ito ay tugma sa pangangailangan ng medical cannabis sa Pilipinas.

Facebook Comments