Pag-aaralan ni Senator Sherwin Gatchalian na irekomenda sa Department of Education (DepEd) na iklian ang panahon ng transition para sa pagbabalik ng mga paaralan sa school calendar.
Batay kasi sa projection ng DepEd sa taong 2026 o 2027 pa maibabalik ang dating school calendar kung saan buwan ng Abril hanggang Mayo ang break o bakasyon ng mga mag-aaral sa eskwelahan.
Aminado si Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education na hindi pwedeng biglain na ibalik sa dating school calendar ang mga paaralan dahil magkakaroon ng isang taong walang break at kawawa rito ang mga estudyante at mga guro.
Kung kakayanin, sinabi ni Gatchalian na susubukang imungkahi sa DepEd na iklian ang panahon ng transition upang hindi na magtiis ang mga mag-aaral at mga guro sa pagsasagawa ng klase sa mga buwan na napakatindi ang init ng panahon.
Suportado ng senador na iurong o ibalik sa orihinal na school calendar ang mga paaralan kung saan Hunyo hanggang kalagitnaan ng Marso ang pasukan at Abril hanggang Marso ay bakasyon naman ng mga mag-aaral.