Senador, inirekomenda ang deportation at kanselasyon ng visa ng mga dayuhang estudyante na mapapatunayang iba ang pakay sa bansa

Deportation at kanselasyon ng visa.

Ito ang naging rekomendasyon ni Senator Francis Tolentino sakaling mapatunayan na totoo ang rebelasyon ni UP Professor Chester Cabalza na ilang Chinese students sa Cagayan province ang nagbabayad ng P2 million kapalit ng degree.

Ayon kay Tolentino, bukod sa pagbili ng diploma ay nakakaalarma na ang sinasabing pagdami ng mga Chinese sa lugar.


Pinasisilip din ng senador ang ibang EDCA sites kung may ganito rin bang kahalintulad na pangyayari kung saan dumarami ang mga nag-aaral na dayuhan.

Sakaling mapatunayan na iba ang misyon o pakay sa pag-aaral ng dayuhan ay pinakikilos ng mambabatas ang Bureau of Immigration na kanselahin ang student visa at ipa-deport agad ang estudyante.

Facebook Comments