Senador, inirekomenda sa LTO ang paglalatag ng regulasyon sa mga e-trike at e-bike

Iminungkahi ni Senator Francis Tolentino sa Land Transportation Office (LTO) na magkaroon ng regulasyon sa e-bikes at e-trikes.

Ipinasasama ni Tolentino sa regulasyon ng e-bikes at e-trikes ang charging system nito matapos na makapagtala ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng maraming kaso ng sunog dahil sa depektibong charging system.

Aniya, ang tunay na charger ng e-bike at e-trike ay nag-o-automatic na tumitigil pag fully-charged na habang ang peke naman ay nag-o-overcharge.


Hindi aniya dapat payagan na marehistro ang e-bike at e-trike kung hindi tunay ang charger dahil mahirap ng mapabayaan at magkasunog kung saan maraming buhay ang maaapektuhan.

Matatandaang naglabas ng kautusan ang Metro Manila Council na ipagbawal ang e-bike at e-trike na dumaan sa mga pangunahing kalsada.

Facebook Comments