Inirekomenda ni Senator Francis Tolentino ang paggamit ng herbal medicines laban sa Pertussis habang hinihintay pa ang bakuna para sa sakit.
Partikular na inirerekomenda ni Tolentino ang paggamit ng lagundi, isang herbal medicine para sa ubo at sipon, na sagana sa ating bansa.
Ayon sa senador, habang hinihintay pa ng DOH ang anti-pertussis pentavalent vaccine ay maaaring gamitin muna na panggamot sa pertussis ang lagundi.
Sinuportahan naman ni Health Undersecretary Eric Tayag ang rekomendasyon ng senador sa paggamit ng lagundi para labanan ang Pertussis outbreak.
Aniya, ang lagundi ay maaaring mabili sa syrup o sa capsules sa mga botika upang hindi na rin mahirapan na maghanda ng “raw” lagundi para gawing medicinal tea.
Facebook Comments