Senador, ipinalalatag ang mga naging hakbang ng NTC laban sa mga text scam at spams

Ipinalalatag ni Senator Grace Poe ang naging hakbang ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa mga text scams at spams.

Kaugnay na rin ito ng pahayag ng NTC na ang SIM Registration Act ay hindi maituturing na “silver bullet” na panlaban sa naglipanang text scams.

Ipinadedetalye ni Poe kung ano ang mga hakbang ng NTC laban sa mga nagpapakalat at nasa likod ng mga text scams kasama na ang mga ni-raid na POGO hubs na nakitaan ng mga gamit na may text blast machines at iba pang paglabag.


Napuna ng senadora na hindi na tayo nakakatanggap ng advisories laban sa text scams, at hindi rin nakakatupad ang mga telcos sa pagkakaroon ng user-friendly mechanisms para sa madaling pagsusumbong ng mga spams at scams.

Ipinasasama rin ni Poe ang pagtuturo ng komisyon sa mga user ng paggamit ng spam filters at dapat na maging proactive o maagap ang NTC laban sa mga scammers.

Giit ng mambabatas ang paglaban sa text scams ay dapat na “shared burden” o responsibilidad ng parehong NTC at ng mga telco.

Facebook Comments