Senador, ipinalalatag sa PhilHealth ang katapat na serbisyong makukuha ng mga miyembro sa premium rate hike

Iginiit ni Senator Francis Tolentino sa PhilHealth na ipaliwanag sa publiko kung ano ang kaakibat ng limang porsyentong pagtaas sa premium contribution.

Dahil dito ay ipinalalatag ng senador sa PhilHealth, ang mga dagdag na benepisyo na nakapaloob sa premium rate hike na papasanin ng mga miyembro.

Punto ni Tolentino, sa pagpapaliwanag ng PhilHealth ay maipapaunawa sa taumbayan kung saan mapupunta ang dagdag na babayarang kontribusyon sa PhilHealth.


Maipapaintindi rin sa publiko na ang dagdag na kontribusyon ay may katapat na halaga ng serbisyo na kanila ring makukuha.

Sa paliwanag naman ni PhilHealth Spokesperson Rey Balena kay Tolentino, kasama sa bagong mga benepisyo ang expanded coverage ng dialysis mula 90 sessions hanggang 156, mental health coverage na hanggang ₱60,000, at mga programa para sa stroke at hemorrhagic sectors.

Facebook Comments