
Pinaiiklian ni Senator Sherwin Gatchalian ang panahon o taon na igugugol ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Nakapaloob ito sa inihaing Three-Year College Education Act ng senador na layong gawing tatlong taon ang kurso sa kolehiyo sa halip na apat na taon at tinitiyak ang kahandaan ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa pagtatrabaho.
Ayon kay Gatchalian, panahon na para tuparin ang pangako noong nagdagdag ng dalawang taon sa high school na iikli ang panahon sa kolehiyo.
Pagpasok ng isang estudyante sa kolehiyo ay diretso na sila sa specialized-focused college education o pag-aaral ng mga major subject ng kinuhang kurso.
Ang mga general education course naman ay isasama na sa curriculum ng senior high school level.
Sinabi pa ni Gatchalian na ang ganitong programa ay matagal nang ipinapatupad sa mga bansang United Kingdom, Canada at Australia.









