Senador, itinuturing na “useless” ang pagdalo sa imbestigasyon ng Kamara sa “war on drugs” ng dating Duterte administration

FILE PHOTO

Itinuturing ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na “useless” o walang silbi ang PAGDALO sa imbestigasyon ng Kamara sa “war on drugs” ng dating Duterte administration.

Para kay Dela Rosa, pagsasayang na lang ng oras ang PAGHARAP sa pagsisiyasat ng Kamara dahil pabalik-balik lang ang mga tanong at pabalik-balik din ang sagot.

Hamon ng senador kung may sapat na ebidensya ay maghain na lamang ng kaso laban sa kanila.


Naniniwala naman ang mambabatas na “politically motivated” ang pagbuhay ng Kamara sa imbestigasyon tungkol sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Mayroon aniyang gustong “mag-pin down” o lalong idiin si dating Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa mga kasong kinakaharap nito sa International Criminal Court (ICC).

Facebook Comments