Senador JV, masama ang loob matapos pagbintangang padrino ng SUV owner na nanagasa ng sekyu sa Mandaluyong

Aminado si re-elect Senator JV Ejercito na masama ang kanyang loob sa mga nababasang komento sa social media kaugnay sa insidente ng pananagasa ng isang SUV sa security guard ng mall sa Mandaluyong City.

Ayon kay Ejercito, sa kabila ng pagtulong niya para mahanap ang driver ng SUV ay pinagbibintangan pa siyang padrino ng suspek.

Paglilinaw ng senador, hindi niya kilala ang SUV driver.


Aniya, hindi rin niya personal na nakausap ang may-ari ng sasakyan sa halip ay may nakapagsabi lamang sa kanya na hindi raw tatakas ang suspek at haharapin nito ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

Matatandaang nagpalabas si Ejercito ng P50,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa may-ari ng SUV na sangkot sa naturang hit-and-run incident.

Facebook Comments