Kinalampag ni Senator Christopher “Bong” Go ang water service providers na mas pagandahin ang serbisyo sa kanilang mga consumer ngayong panahon ng tag-init.
Ang apela ng senador ay bunsod ng madalas na water interruption na nararanasan sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila kung kailan panahon ng summer na mas kailangan na kailangan ng mga tao ng tubig.
Paalala ni Go na kaya ipinaubaya sa mga pribadong kompanya ang serbisyo ng tubig ay dahil inaasahang mas maganda ang serbisyong maibibigay nito kung ikukumpara sa gobyerno.
Dahil hawak na ng mga private concessionaires ang water services ay dapat aniyang gawin ng mga ito ang lahat ng paraan na maibigay ang ‘the best’ na serbisyo sa mga consumer.
Una aniya sa dapat na tinitiyak ng mga water service provider na hindi nawawalan ng tubig ang bawat kabahayan sa Metro Manila lalo’t ito’y mahalaga sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.