Pabor si Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada sa panghihimok ni Pangulong Bongbong Marcos na huwag sampahan ng impeachment case si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Estrada, napakaraming problema ng bansa na mas dapat na unahing tugunan hindi lamang sa pagitan nina Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara kundi pati silang mga mambabatas.
Aniya, ang impeachment ay isang political process na magdudulot lamang ng pagkakahati-hati at maglilihis sa atin para agad na solusyunan ang mga isyung kinakaharap ng bansa.
Giit ng mambabatas, ang hakbang sa impeachment ay dapat nakaugat sa mga prinsipyo ng katarungan at pananagutan at hindi sa pampersonal at partisan motives.
Umaasa naman ang senador na mananaig ang pagkakasundo ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa para na rin sa kapakanan ng taumbayan.