Senador, kinukwestyon ang DA kung paanong paraan pababain ang presyo ng bigas sa ₱30 kada kilo

Kinukwestyon ni Senator Chiz Escudero ang magiging hakbang ng Department of Agriculture (DA) para pababain sa ₱30 ang halaga ng kada kilo ng bigas na target sa pagsapit ng Hulyo.

Binubusisi rin ng senador kung may kinalaman ba ang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law (RTL) para maibaba sa halos kalahati ang presyo ng bigas.

Sa kasalukuyan kasi, ang presyo ng magandang klase ng bigas sa kada kilo ay nasa ₱60.


Matatandaang nakalusot na sa committee level ng Kamara ang panukalang amyenda sa RTL kung saan ibinabalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na bumili o umangkat ng bigas at magbenta nito sa mga pamilihan.

Magkagayunman, ilang senador na ang nagpahayag ng pagtutol sa panukala kabilang na si Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Cynthia Villar na siyang nagsponsor ng naturang batas sa mataas na kapulungan.

Facebook Comments