
Nagtataka si Senator Jinggoy Estrada sa pagharap sa bicameral conference committee ng 2026 national budget ni DPWH Secretary Vince Dizon.
Ayon kay Estrada, ngayon lang siya nakakita ng kalihim na inimbitahan sa bicam.
Sinabi ng senador na ang isang Secretary ay dapat sa committee hearing at sa plenary session pinahaharap at hindi sa bicam meeting.
Sa kabilang banda, ipinauubaya naman ni Estrada sa mga senador at mga kongresista na myembro ng bicam ang pagbabalik sa tinapyas na P45-B budget ng DPWH.
Si Sen. Jinggoy ay kabilang sa myembro ng bicam sa 2026 national budget ngunit ito ay nag-withdraw o nagbitiw bago pa man magsimula ang bicameral conference committee meeting.
Facebook Comments










