Senador, kumbinsido na hindi totoo ang mga sinasabi ni Mayor Guo tungkol sa sarili; pagpapatalsik dito ng Nationalist People’s Coalition, iginiit

Syento por syentong kumbinsido si Senator Loren Legarda na hindi totoo ang mga sinasabi o kwento ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo tungkol sa kanyang sarili.

Ayon kay Legarda, kung pagbabatayan ang klase ng pamumuhay ni Guo, malayo ito sa isang simpleng taong namuhay o lumaki sa isang farm tulad ng palagi nitong sinasabi sa mga pagdinig.

Nababahala ang senadora kung ilan pang Alice Guo ang nasa bansa ang napasok na hindi lang ang pulitika kundi ang iba pang sektor sa bansa na maaaring konektado sa mga sindikato.


Samantala, kung si Legarda ang masusunod at tatanungin, gusto niyang mapatalsik na agad sa Nationalist People’s Coalition (NPC) si Guo.

Aniya pa, sinasabi na wala pa namang finality o desisyon sa mga kaso ni Guo pero hirit niya ay kailangang patalsikin o suspindehin na ang alkalde sa NPC habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Facebook Comments