Senador, kumbinsidong may banta sa buhay si dismissed Bamban Mayor Alice Guo

Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na may totoong banta sa buhay si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Matatandaang kahapon sa pagdinig ay inamin ni Guo na mayroon siyang natatanggap na death threats mula sa mga lokal at dayuhan.

Ayon kay Escudero, naniniwala man siyang may banta sa buhay si Guo pero ito ay nakadepende pa rin sa mga ibubunyag ng pinatalsik na alkalde at kung siya ay magsasabi na ng buong katotohanan.


Magkagayunman, hindi naman naniniwala ang mambabatas sa sinabi ni Guo na walang Pilipinong tumulong sa kanya para makatakas ng bansa.

Duda si Escudero na mayroong iba pang opisyal o personalidad sa ibang ahensya ng gobyerno ang tumutulong kay Guo.

Ikinalugod din ng Senate President na tumupad si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang salita na mayroong ulong gugulong dahil sa kapabayaan sa kaso at pagpuslit ni Guo matapos na alisin na sa pwesto si Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Facebook Comments