Senador, kumpyansang hindi kakapusin ng suplay ng kuryente dahil sa backup na power supply

Tiwala si Energy Committee Vice Chairman Senator Sherwin Gatchalian na hindi kakapusin ng suplay ng kuryente ang bansa sa pagtaas ng demand ngayong summer season.

Ito ay dahil mayroon nang backup power supply o reserbang kuryente ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Kumpyansa si Gatchalian na hindi magtataas ng anumang red o yellow alerts ang NGCP sa tag-init dahil sa mayroon na tayong 600 megawatts ng ancillary reserve.


Ang nasabing backup na suplay ng kuryente ay minamandato ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) para maiwasan na ang mga power outages tuwing tumataas ang demand sa suplay.

Dahil mayroon na tayong naka-standby na suplay ng kuryente, nakasisiguro si Gatchalian na kahit anong mangyari ay tatakbo pa rin ang kuryente at masusuplayan ang mga kabahayan mula na 600 megawatts sa reserbang power supply.

Facebook Comments