Senador, kumpyansang mawawala na ang tensyon sa mga sundalo sa bagong batas para sa fixed term ng mga AFP officials

Tiwala si Senate Committee on National Defense Chairman Senator Jinggoy Estrada na mapapawi ng bagong batas tungkol sa pagsasaayos ng fixed term ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sinasabing ‘rumblings’ o tensyon sa loob ng militar.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa Republic Act 11903, na nag-aamyenda naman sa RA 11709.

Ayon kay Estrada, na tumayong sponsor ng panukalang batas sa Senado, ang amyenda sa fixed term ng mga sundalo ay tugon sa panawagan ng mga ito na aksyunan ang mga isyu sa kanilang career progression at professional advancement.


Naniniwala ang senador na ang bagong batas ay magkakaroon ng positibo at pangmatagalang epekto sa aspeto ng flexibility, stability at dynamism na umangkop at tumutugon sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Nangako naman si Estrada na tututukan niyang maigi ang pagpapatupad ng batas para matiyak ang pagiging epektibo nito.

Facebook Comments