Walang nakikitang iregularidad si Senador Panfilo Lacson sa bersyon ng inaprubahang 2020 proposed National Budget ng mababang kapulungan.
Ayon sa Senador, ang tanging pagbabago na nakita niya ay ang P9.5 Billion Institutional Amendments na inanunsyo naman ng liderato ng Kamara.
Tinawag pa niyang “most behave” ang mga kasalukuyang miyembro ng Kamara.
Gayunman, may napansin daw siyang ilang “unclear” items sa National Expenditure Program (NEP) ng Malacañang na aabot sa 20 Bilyong piso.
Hindi aniya malinaw kung saan dadalhin ang pondo pero hindi naman daw ito maikokonsiderang “pork” allocation lalo’t dumaan ito sa masusing pag-aaral ng mga ahensya ng gobyerno.
Pero ayon kay Lacson, babantayan nilang mabuti ang deliberasyon sa budget ng Bicameral Conference Committee kung saan posibleng magsingit ng kani-kanilang amendments ang mga Kongresista.