Manila, Philippines – Humihirit sa Korte Suprema si Senator Leila De Lima na payagan siyang makadalo sa pagdinig ng Senado sa Huwebes, kaugnay ng pagdinig sa pagkakapatay kay Kian Loyd Delos Santos.
Naghain ang kampo ni De Lima ng ‘Very Urgent Supplemental Motion’ para sa kanyang legislative furlough.
Iginiit ni De Lima na halal siya ng 14-million voters kaya tungkulin niyang gampanan ang kanyang mandato.
Iginiit ng Senadora na presumed innocent pa siya sa ilalim ng konstitusyon dahil hindi pa siya nahahatulan.
Hindi rin aniya siya flight risk o wala siyang balak na tumakas.
Ang urgent motion ay dagdag sa pending motion for certiorari at temporary restraining order na una nang inihain ni De Lima sa Korte Suprema.
Facebook Comments