MANILA – Lalong madidiin sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ si Senador Leila De Lima dahil sa pag-amin sa naging relasyon nito sa driver-bodyguard na si Ronie Dayan.Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre– dahil dito, tumaas aniya ang posibilidad na kolektor nga ni De Lima si Dayan gaya ng mga naging pahayag ng mga tumestigong high-profile inmates sa imbestigasyon ng House Justice Committee.Paliwanag nito, kung simpleng driver-bodyguard lang ni De Lima si Dayan ay hindi niya ito basta-basta pagkakatiwalaan sa mga personal at iligal na transaksyon sa bilibid.Dagdag pa ni Aguirre, posible ring matanggalan ng lisensya si De Lima bilang abogado dahil sa isyu ng imoralidad.Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng Kamara kaugnay sa transaksyon ng iligal na droga sa bilibid, karamihan sa mga tumestigong preso ay nagsabing si Dayan mismo ang kumausap sa kanila sa paglikom ng pera para sa kampanya noon ng Senadora.
Senador Leila De Lima, Lalong Madidiin Sa Reklamong Kinahaharap Sa Doj Dahil Sa Pag-Amin Sa Relasyon Kay Ronnie Dayan
Facebook Comments