Senador, lubos ang pagkadismaya sa desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay VP Sara

Lubhang dismayado si Senator Risa Hontiveros sa ruling ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Hontiveros na sa kabila ng sinasabi ng Supreme Court na hindi pinapawalang-sala si VP Duterte at maaaring maghain muli ng reklamo sa susunod na taon, nababahala naman ang senadora sa mga katanungan tungkol sa short-term at long-term consequences ng nasabing ruling.

Nagtataka ang mambabatas sa sinasabing paglabag sa one-year bar rule gayong iisang kaso lang naman ang naiakyat sa Senado at ayon ito sa desisyon ng Korte Suprema sa Gutierrez vs House of Representatives.

Batay na rin aniya sa paliwanag ng Supreme Court sa kanilang desisyon, ikinunsidera sa one-year bar rule ang “element of time” at hindi sa bilang ng reklamo.

Umaasa na lamang si Hontiveros na ang ruling na ito ay hindi magkakaroon ng masamang epekto sa mga pagsisikap sa hinaharap na mapanagot ang mga public official na nagkasala.

Facebook Comments