Senador, magpapatawag ng oversight hearing para bantayan ang pondo ng PhilHealth

Magpapatawag sa susunod na taon si Senator JV Ejercito ng oversight committee hearing para silipin ang paggugol ng PhilHealth sa kanilang pondo.

Ito ay matapos na magkasundo ang mga senador na bawasan ng bahagya ang government subsidy sa PhilHealth na aabot na ngayon sa ₱68 billion mula sa original budget proposal na ₱73 billion.

Sakop ng subsidya ng gobyerno ang mga indirect contributor ng PhilHealth tulad ng mga mahihirap na kababayan.


Aniya pa, kung hindi nagdeklara ng malaking savings ang PhilHealth ay malaki ang tiyansang nadagdagan  pa ang subsidiya para sa state health insurer.

Umaasa ang senador na gagamitin nang husto ng PhilHealth sa mga miyembro ang pondo nito lalo’t sinasabing nagdagdag o nagtaas sila ng case rate.

Magkagayunman ay naniniwala si Ejercito na kailangan pa rin ng revamp o leadership change sa PhilHealth dahil na rin sa kabiguang ipatupad ang Universal Health Care Law.

Facebook Comments