Senador, magsusulong ng panukala na reresolba sa problema sa matinding traffic

Nagpahayag si Senator Robinhood Padilla ng kahandaan na suportahan ang paglutas sa problema sa matinding trapiko.

Ayon kay Padilla, nabuhayan siya ng loob nang malaman na binibigyan ng pansin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang problema ng bansa sa mabigat na trapiko.

Sinabi ng senador na nakahanda siyang magsulong ng panukalang batas na magiging susi sa paglutas ng matinding trapik sa Metro Manila at sa iba pang urbanized area sa bansa.


Iginiit ng mambabatas na kurtesiya sa daan, disiplina, edukasyon at pagtupad sa batas ang kailangan para maresolba ang mabigat na traffic.

Pinag-aaralan ni Padilla na maisama sa curriculum ng Department of Education sa senior high school ang paksang ito partikular ang pagkakaroon ng kurtesiya at disiplina sa daan upang habang bata pa ay matuto na bago pa man mapasama sa ating working force.

Facebook Comments